Monday, August 3, 2009

Kapuso Or Kapamilya?

Eto ang tanong na pinakakinaiinisan ko. Bakit? Kasi pinapakita sa tanong na eto na ang mga Pilipino na sinasabi na MATATALINO ay BOBO pala na nauuto ng dalawang higanteng istayon na kailangan mong pumili ng isa sa kanila. Bago ka magfeeling na isa kang Kapamilya o Kapuso basahin mo ang mga sumusunod.

Una, kung sasabihin nyo kayo ay Kapamilya at Kapuso dapat ay siguruhin nyo na puro palabas ng istayon ang pinapanood nyo. Ni isang palabas sa kabila ay hindi nyo pinapanood. Yan ang masasabing tunay na Kapamilya o Kapuso. Meron ba nun? Sa palagay ko wala. Kahit kasi mga artista ng isang istasyon ay nanood ng palabas sa kabila. At kung meron man isa sa inyo na ganun eh ang TANGA mo. Bakit? Eh napaniwala ka ng isang istasyon na parte ka sa kanila. Ang totoo wala silang pakialam sayo at pera lang ang gusto nila.

Pangalawa, ang mga taong Kapamilya o Kapuso ay ang mga taong nagtratrabaho sa isang istasyon at may kontrata at kumikita ng pera. Kaya kong isa kang ordinaryong tao na walang pakialam at walang ginawa kundi manood lang ng palabas ay wag kang "feeling". Kung makipagaway ka sa ibang tao eh daig mo pa ang mga may-ari ng dalawang istasyon. Away kayo ng away wala naman kayo napapala ang kumikita lang ay yung mga mayayamang nanguuto sa inyo.

Pangatlo, sa lahat ng mga TANGA na at FEELING pa. Manood kayo ng mga balita at pinagkakalandakan na ang laki ng KITA nila dahil daw sa lakas ng suporta ninyo. OO yumayaman lalo sila habang ang mga tao eh pahirap ng pahirap. Ni isang singkong duling ay wala silang binigay sa inyo na parte ng kita nila. Kaya sinong TANGA? Kaw ang sumagot.

Walang nakikinabang sa gulo at away nito ay kundi ang CHANNEL 2 at CHANNEL 7. Tigilan niyo ang panguuto ng dalawang isatasyon para lalo silang kumita. Pinapaniwala ka nila na isa ka sa kanila na ang totoo ay wala silang pakialam sayo. Ang gusto nila ay manood ka sa palabas nila para mas marami silang commercial. Tigilan na ang walang kwentang usapang eto.

Isa lang masasabi ko hindi natin kailangan pumili ng isa sa kanila. Panoorin mo ang mga magagandang palabas ng bawat istasyon upang ang mga walang kwentang palabas ay palitan nila. Yan ang paraan para tayo makinabang. Magkaroon sila ng competition para lalong pagandahin ang palabas nila at magenjoy ang mga Pilipino. Hindi kayo BOBO para paniwalain nila na isa kayo sa kanila. Walang tunay na Kapuso o Kapamilya kaya huwag na huwag kayong magfeeling na isa kayong Kapamilya o Kapuso.


No comments: